Sabado, Oktubre 27, 2012

Poverty in the Philippines!

Maganda maganda MAGANDANG araw mga kaibigan! Ako nga pala si Dannah Francine Cuizon! Isang junior student! Karaniwang tao lang. =)) Mahilig akong magsalita ng magsalita. I love trying new things. :) Gustung-gusto ko rin byumahe ng byumahe. Kami'y inatasan ng aming guro sa Matematika na lumikha o gumawa ng isang blog ayon sa aming paksa na "Poverty in the Philippines."Bakit ba namin naisipan na ang aming paksa ay "Poverty in the Philippines."? Simple lang. Napagtanto namin na ang kahirapan dito sa pilipinas ay hindi ma-solusyunan. Bakit nga ba hindi mawala wala ang kahirapan dito sa Pilipinas?  Ngayon, Inaanyayahan ko kayong basahin ang aking ginawa! Dahil tiyak na tiyak ko, na magkakaroon kayo ng interes dito! Itong aking ginawa ay pawang opinyon ko lamang. 



"Noong panahon ni Marcos, isa raw ang Pilipinas sa mayayamang bansa sa Asya. Subalit dahil sa korapsyon, maling pamamalakad at tiwaling namumuno, unti-unting bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Sa kabila ng pagiging mayaman ng Pilipinas sa likas na yaman, tayo pa ang nag-aangat ng mga produkto galing sa ibang bansa."  

Ang sanhi ng kahirapan sa Pilipinas ay ang talamak na KURAPSYON ng mga namumuno at ang KAWALAN ng pagkakaisa ng mga tao at maling pamamaraan ng pagpapatakbo o pag-gamit sa natural resources ng ating bansa. Gawa nito ang ating bansa ay di na makaahon at patuloy na nalulugmok sa kahirapan sa dahilang WALANG SAPAT NA TRABAHO para sa mga MASANG PILIPINO. Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman at ang mga pobre ay lalong PUMO-POBRE!

Itanong natin sa ating sarili, "Ano ang naiambag ko sa aking bansa? Nakatulong ba ako? Sa papaanong paraan naman?" Diba? Minsan, nagiging MAKASARILI TAYO! Aminin mo man o hindi ALAM MO SA SARILI MO NA MAKASARILI KA. KUNG HINDI TAYO MAKASARILI, EDI NAIAHON PA NATIN ANG BANSA NATIN! Diba?!

POVERTY IN THE PHILIPPINES IS A CRISIS!

Paano ko nasabing Crisis yun?  Kasi hanggang ngayon MADAMI PA RIN'G MAHIHIRAP SA PILIPINAS! Kung walang makasarili sa ating bansa, tiyak na makasisiguro tayo na walang NAGHIHIRAP! Walang nagugutom! AT WALANG NAG-AAWAY AWAY!

Ako ay nalulungkot dahil ang kahirapan sa pilipinas ay hindi pa rin nasu-solusyunan. Nakaaawa ang mga taong mahirap! Wala silang tirahan, wala silang sapat na pagkain, wala silang sapat na damit! PERO bilang estudyante,Ibabahagi ko kung ano ang meron ako. Hindi ko ito ipagkakait sa mga taong na-ngangailangan. Dahil alam ko sa sarili ko na ang susi para malamapasan ang kahirapan ay ang pagbibigayan. 

At kung magtutulungan tayong lahat,Magiging MAUNLAD NA ANG PILIPINAS! Kayang-kaya natin yan ma-solusyunan! 
Dito sa larawang ito, ipinapakita na tayo ay magkapit bisig! Magtulungan tayo sa isa't-isa. Ipinapakita dito ang pagiging "UNITED"


Maraming salamat sa pagbabasa ng aking BLOG! Nawa'y may natutunan kayo at nag reflect kayo sa inyong binasa. Hanggang sa muli, paalam! :) 

1 komento:

  1. Maganda ang iyong blog. Nakatulong ang pagsusulat mo sa pamamagitan ng Filipino language. Kung tayo ay magsasama-sama, KAYA NATIN TO! :)

    TumugonBurahin